Wednesday, November 21, 2012

Christmas Wish

Tapos na ang halloween season, at sa Amerika, pinaghahandaan na ang Thanksgiving. Ang pagtatapos ng Thanksgiving sa Amerika ang hudyat na nalalapit na nga ang kapaskuhan. Kaliwa't kanang sale ang makikita natin sa mga malls twing holiday season. Bagsak presyo ang mga pang regalo lalo na ang mga laruan para sa mga bata, mga damit, mga gadgets, at iba pa.

Christmas, they say, is for kids. Naaalala ko nung ako'y isang munting paslit pa, sa twing nalalapit na ang kapaskuhan, di ko mapigilan ang maexcite dahil alam kong marami na naman akong matatanggap na mga regalo. My family celebrates christmas the simple way. For us, the celebration need not to be flamboyant, as long as the family is complete, happy, and healthy, that's what matters most.

So, as I type this entry, I know that Christmas is just around the corner. Maraming tao ang dumadagsa na sa mga malls para mamili ng mga regalo para na rin makaiwas sa christmas rush. Maswerte ako dahil wala akong inaanak, at hindi ako obligadong mamili ng regalo, pero gusto kong bigyan ng regalo ang mga kaibigan ko at naging karamay ko this year, sa lahat ng mga pagsubok na hinarap namin. I wanna show how grateful I am to have them as my friends and just a simple gift would remind them I'm always there for them whenever they need me. (ang drama ko!) Yung totoo, naguguluhan ako kung anong pinaka dabest na regalo na pede kong ibigay sa kanila!

Nagpost ako sa facebook nung isang araw at ang regalong gusto kong matanggap ngayong pasko ayyyy... (drumroll)


Well, I know this gift's too much to ask, but this is just my Christmas wish! A galaxy note will be a wonderful present this Christmas, considering I am an Android Fan and I love how Android works. Dalawa ang cellphone ko, isang iPhone 3G at isang Alcatel OT-918n na Android Gingerbread ang ginagamit bilang OS. I would love to try using a phone which runs Android Ice Cream Sandwich. Nakita ko kasi sa koreanovelang King 2 Hearts ang galaxy note, at nalove at first sight agad ako sa interface ng phone na yun. Para sakin, walang sinabi ang iOS sa Android ICS. Highly customizable kase ang Android kesa sa iOS. Sorry sa mga fans ng Apple pero di ako nasasatisfy sa product na gawa ni Steve Jobs. Aside being overpriced, Apple products does not meet my expectations, kaya nung nilabas ang iPhone 4 at 4s, di na ko bumili pa.

So that's it, my Christmas wish is a Samsung Galaxy Note 2

No comments:

Post a Comment