Wednesday, November 21, 2012

Nocturnal - Insomnia issues. Di makatulog?

I admit, I have sleeping disorders. Ang buong akala ko nawala na ang problema ko sa pagtulog but it came back! A couple of years ago I was experiencing sleeping problems, I always end up tossing and turning in bed, and the only remedy I thought was to go transfer a different bedroom. And so it worked, I was able to sleep soundly because the other room has an AC! E dun sa kabilang kwarto, wala.

Anyway, my insomnia's gone, at kung sakali mang bumalik ang insomnia ko, yun e dahil sa pagsishift ng body clock ko. Madalas akong puyat dahil lagi akong nasa harap ng computer mula hapon hanggang madaling araw. Minsan, kaya ako napupuyat dahil nagbabasa ako ng mga novels. Ako kasi yung tipong reader na kapag nasimulan ko ang isang novel at kapag na-engross ako sa storya ng binabasa ko, kahit pa abutin ako ng magdamag, I will really have a hard time to put down that book! I will make sure I'll finish the book, lalo na kapag ang mga binabasa ko ay mga romance at suspense ang genre.

Gusto ko lang ibahagi yung mga tips ko para makatulog ako ng mahimbing sa gabi. Hindi ako nurse o doctor at hindi rin ako nag-aaral ng medical related courses. Base lang ito sa mga experiences at syempre, sa mga nabasa ko.

1.) Gatas. Nabasa ko sa iba't ibang website na ang gatas ay may sangkap na Tryptophan, isang uri ng compound na nakakapagrelax ng ating nervous system. According to studies, tryptophan is responsible for the secretion of serotonin hormones, and those hormones play a vital role with our sleep. Natutunan ko yan nung nagtatrabaho pa ko sa call center at bago matapos ang shift ko, umiinom ako ng gatas para pag uwi ko makatulog agad ako sa bahay. At alam naman natin na ang gatas ay may calcium. Mahalaga din ang calcium sa ating pagtulog.

2.) Do not drink Coffee. Coffee contains caffeine, na nakakapagstimulate ng nervous system na syang dahilan kung bakit nagiging active tayo kapag nakakainom tayo ng kape. Depende yan sa ibang tao, kasi may mga kakilala ako na regular coffee drinkers pero di naman sila nagkakaron ng problema sa pagtulog. I was a coffee drinker, at alam kong isa ang kape sa mga dahilan kung bat nagkaron ako ng insomnia. Aminin natin, masarap ang kape lalo na kapag hinalo mo sa gatas. Pero may mga negative effects kasi ang kape, gaya na lang ng pagkadisrupt ng ating sleeping patterns. As much as possible, if you don't wanna suffer from sleepless nights, might as well abstain from this kind of beverage.

3.) Read/watch movies/listen to relaxing music. Nakakapagod sa mata ang pagbabasa, kaya kapag di ako makatulog sa gabi, ito ang nagiging last resort ko. Mas gusto kong basahin yung mga pinakaboring na novels na nabasa ko na kaya imbes na itapon ko yung mga yun, e nililigpit ko lang sa book shelf dahil alam kong magagamit ko yung mga boring novels na yun bilang remedy sa aking insomnia. Same goes with the movies, it would be better if you watch boring movies coz it will certainly make you sleep at night. Relaxing music, such as instrumental music will also work wonders.

4.) Airconditioner. Isa ito sa mga dapat i-invest ng mga taong hirap makatulog. Isa kasi ang room temperature sa mga factors kung bat di nakakatulog ang isang tao. May mga taong pawisin, gaya ko, na kapag naeexpose sa mainit na lugar e parang kandilang nalulusaw. Personally di ako nakakatulog sa mga lugar na mainit. Kaya mas mainam kapag may AC sa kwarto lalo na kapag summer.

Di ko pa nasusubukang uminom ng sleeping pills pero di ko irerecommend ito sa mga taong hirap makatulog. I guess if you guys will prefer sleeping pills, it's better if you consult your doctor first, para malaman kung anong sleeping pills ang mainam para sa inyo. Pero so far, yung mga tips na na-share ko ay effective naman saken at sana makatulong ako sa lahat ng mga taong madalas ay napupuyat dahil hindi makatulog sa gabi.

No comments:

Post a Comment